ABS-CBN News
Tinatayang 1,000 nurses na pumasa sa kontrobersiyal na board examination ang tatanggapin ng isang kumpanya sa US sakaling maipasa ng mga ito ang National Council Licensure Examination o NCLEX.
“One thousand have given us applications to work. All are hired. Hindi naman nila kasalanan yung nangyari. We decided to extend help sa kanila,” pahayag ni Grace Navea, chief executive officer ng GSN Incorporated.
Ang naturang kumpanya ay tumatanggap ng aplikanteng nurse na nais na makapagtrabaho sa US.
Ayon sa report, 60 porsiyente ng mga aplikanteng dumalo sa oryentasyon ng GSN Incorporated ay nakapasa sa nursing board exams nitong Hunyo.
Napag-alaman na naging interesado ang mga pumasa sa nursing licensure examinations nang mabatid na tatanggapin sila ng kumpanya sa kabila ng leak sa board exams at ang nakabinbing temporary restraining order sa Court of Appeals.
Sinabi ni Navea na kinakailangang maipasa ng mga aplikante ang standard test o ang NCLEX para sa registered nurses na nais na magtrabaho sa US.
“What we need is their commitment. Take the NCLEX test, pass it and the rest is history,” ani pa nito.
Idinagdag pa ng kumpanya, hindi lamang resulta ng eksaminasyon ang pinagbabasihan ng mga pagamutan sa US. Bukod sa resulta ng NCLEX, may mga interview na dadaanan ang mga nurses para masukat ang kakayahan ng mga ito bago tuluyang tanggapin sa US.
Samantala, nagpahayag naman ng interes ang Philippine Hospitals Association na tumanggap ng mga pumasa sa nursing board exams.
Ang PHA ay samahan ng mahigit 2,000 pribado at pampublikong pagamutan sa buong bansa.
Tutol ang nasabing asosasyon sa re-take at gusto lamang nilang maparusahan ang nasa likod ng leak.
"It would be the highest act of injustice inflicted to them. Kasi kawawa naman ang mga honest to goodness na nag-test. The board exam is not a determining factor of a good nurse," sabi ni Dr. Ted Macais, pangulo ng PHA.
1 comment:
Curiously.... [url=http://orderviagerausa.solidwebhost.com/site_map.html]viagera buy[/url]
Post a Comment