The avenue for nurses.

Chatterbox

Tuesday, September 05, 2006

90 tanong sa nursing board di inalis sa komputasyon ng grades

ABS-CBN News

Tinatayang 90 mula sa 100 tanong sa Test 5 ng Nursing Licensure Exams ang hindi tinanggal sa komputasyon ng huling marka ng mga kumuha ng eksamin noong Hunyo. Ang 90 tanong sa Test 5 ay kasama sa leakage na umano'y nakuha ng ilang review center dalawang araw bago ang eksamin.

Sa eksklusibong report ng Bandila, mismong ang statistician na si Dra. Mila Ibe na kinuha ng Board of Nursing para mag-compute ng mga marka ng estudyante ang nagsabing hindi niya tinanggal ang 90 tanong sa komputasyon.

“Kung tatangalin mo ang 90 ano pa ang matitira eh di sampu na lang. Hindi na dependable at reliable kung ang pagbabasihan ng kaalaman nila ay sa test five,” ani Ibe.

Sinabi ni Ibe na kung kailangan man na tanggalin ang 90 na tanong sa Test 5, mas mabuti pa na ipawalang-bisa na ang buong test na ito.

Napag-alaman na ang 20 tanong na umano'y na-leak mula sa Test 3 ang kaniyang tinaggal dahil kaunti lamang ito subalit hindi umano kinumpirma sa kanya kung tatanggalin ang 90 tanong sa Test 5 na umano'y na-leak kaya't sinama pa rin niya ang mga ito.

“Hindi ako papayag na sampu lang ang pagbabasihan,” dagdag niya.

Samantala, sinabi naman in Chona Ventura na isang actuarian na hindi lohikal ang aplikasyon ng formula ni Ibe.

“Parang walang lohika sa paggamit nila ng average ng score ng apat na exams para makuha ang score ng panglimang exams. Ninety percent spells a big difference. If you take it out and leak it out then it affects the entire exams totally,” ani ni Ventura, presidente ng Actuarial Association of the Philippines.

Inamin naman ni Ibe na hindi siya nabigyan ng batayan ayon sa batas ng nursing na dapat kumpletong listahan ng kaalaman ng mga sasagot sa mga nursing examination.

“The law specifies what are the topics that should be a part of an examination. Nakabase dun ang mga itatanong. Kung hindi mo gagamitin ang mga test framework unreliable ang resulta ng eksaminasyon,” ani Prof. Rene Tadle, pangulo ng UST Nursing College Faculty.

No comments: