The avenue for nurses.

Chatterbox

Wednesday, September 06, 2006

Kwenta ng grado sa June 2006 nursing exams muling kinwestyon

ABS-CBN News

Lumilitaw na may mga butas umano sa pagkwenta ng pinal na grado ng 2006 nursing board examinees, bagay na nagtulak para sa mga nagpetisyon para ipatigil ang oath taking para manawagan para sa pag-retake ng Tests 3 at 5 ng June 2006 Nursing Licensure Exams.

Ayon kay Rene Tadle, presidente ng University of Sto. Tomas Faculty of Nursing Association, ilalakip nila sa petisyon ang ulat na naisama ang 90 "leaked questions" sa pagkwenta ng pinal na grado ng nursing board examinees.

Inamin ng isang respetadong statistician na ginamit ng Board of Nursing (BON) na hindi niya tinanggal ang 90 tanong sa Test 5 sa pag-kwenta ng pinal na grado ng board examinees. Ang 90 tanong ay napabalitang kasama sa mga naipuslit at inilabas sa ilang review centers dalawang araw bago mag-eksamin.

Ayon kay Dr. Mila Ibe, ang pagtanggal ng 90 sa 100 tanong ng Test 5 ay magpapawalang bisa sa buong Test.

"If you remove 90 questions, then only 10 would remain. [Ten questions] would no longer be dependable or reliable to gauge [the examinee's] knowledge of Test 5," aniya. Ang Test 5 daw ay tungkol sa psychiatric nursing.

Nauna nang sinabi ng mga opisyal ng Board of Nursing at Professional Regulation Commission na tinaggal o in-invalidate na ang mga na-leak na mga katanungan sa pagkwenta sa pinal na grado ng mga board examinees. May 17,871 sa 43,000 board examinees ang nakapasa sa pinaka-huling licensure exam.

Ayon kay Ibe, tinaggal niya ang 20 leaked questions ng Test 3 sa pagkwenta ng pinal na grado. Aniya, hindi pa niya natanggap ang kompirmasyon tungkol sa pag-iinvalidate ng 90 question sa Test 5 nang gawin niya ang komputasyon.

No comments: